MGA TANONG

Frequently Asked Questions

TUNGKOL SA FINN

Ano ang FINN App?

Ang FINN App ay isang financial wellness app. Ang main service nito ay salary advance o “bale”. Kapag biglang nagka-emergency at kailangan bayaran, pero ilang araw pa bago ang payday, pwedeng gamitin ang FINN App.

Loan app ba ang FINN?

Hindi siya traditional loan. Kasi yung i-aadvance ng customer, yung sswelduhin niya rin naman. “Bale” ang FINN.

Anong company ang FINN?

Ang FINN ay nagbibigay ng services sa Southeast Asia, kasama na ang Pilipinas. Nagsimula ang operations ng FINN sa Pilipinas noong 2023. Locally, ang company name ng FINN ay ASIASOURCE FINANCIAL INC. Ito ay registered sa mga relevant government bodies katulad ng SEC, NPC, at AMLC.

Para sa anong pangangailangan ginagamit ang FINN?

Ang FINN ay para sa petsa de peligro. Hindi ito para sa mga big purchases katulad ng pambili ng phone, motor, appliances, etc. Gamitin ang FINN kapag may biglang emergency na kailangan agad bayaran sa mga araw na malapit nang sumweldo.

Gaano katagal ang application process?

Ang approval time ay within 24 hours. Kapag na-approve na, pwede nang mag-request ng advance at papasok kaagad ang pera sa bank account within 10 mins.

Magkano ang pwedeng i-advance?

Up to Php10k ang pwedeng ma-advance sa FINN. Depende ito sa financial records.

Magkano ang fees?

Kung mag-advance 5 days before payday, walang fees na babayaran. Kung Php1k ang kukunin, Php1k lang din ang babayaran. Kung mas maagang mag-withdraw, may babayarang 0.5% per day (o Php5 per day kada Php1,000).

May penalty ba kapag hindi agad makabayad?

May penalty na up to 5% per month.

Ilang araw bago kailangan bayaran ang advance (“term”)?

Ang due date ng advance ay palaging naka-dikit sa araw ng sweldo ng customer. Dahil dito, ang “term” ay usually 2 – 30 days depende kung kailan ang sweldo.

Paano magbayad?

Automatic ikakaltas ng FINN ang babayaran sa payroll account ng customer. Ang kabuuang advance at ang fees ay ikakaltas one-time. Hindi ito hahatiin into multiple installments para hindi lumobo ang fees.

PARA SA DIGIPAY AGENTS

As the referring Digipay Agent, magkano ang aking matatanggap sa bawat successful FINN referral?

Ang isang Digipay agent ay makakatanggap ng fixed fee sa bawat successful FINN referral. Maaari ding makatanggap ng karagdagang commission kapag makaabot ng mga targets for additional commissions sa loob ng isang buwan. Mag-refer sa inyong rate sheet or magtanong sa Customer Support para sa full commission rates.

Paano at kailan ko matatanggap ang aking commission mula sa aking mga successful FINN referral?

Matatanggap mo ang commissions para sa lahat ng iyong successful referrals on a monthly basis, sa loob ng 10-12 Business Days mula sa katapusan ng buwan. Ang lahat ng commissions will be credited sa iyong Digipay Wallet.

Ano nga ba ang isang “successful FINN referral”? Sapat na ba na ma-scan ng customer ko ang FINN Referral Code?

Para ma-konsider na isang “successful FINN referral,” kailangan makumpleto ang mga sumusunod:

  1. I-scan ng customer ang FINN Referral QR Code mula sa iyong Digipay App.
  2. Makapasa ang customer sa FINN verification.
  3. Makaprocess ang customer ng isang successful withdrawal mula sa FINN.
  4. Ang transaction ng customer ay hindi ma-tag as duplicate, fake o fraudulent ng FINN.

Bago akong Digipay Agent. Kailan magiging available ang aking FINN Referral QR Code sa aking Digipay App?

Ang QR Code generation ay maaaring umabot ng 15 days from the time na ikaw ay ma-approve bilang isang Digipay Agent. Kung matapos ang 15 days ay hindi mo pa rin natanggap ang iyong FINN Referral QR Code, maaaring i-contact ang Digipay Customer Support sa chat function sa iyong Digipay App.

Managot ba ako sa advance ng mga referrals ko?

Hindi. Ang advance ay sa pagitan lang ng FINN at ng customer na rinefer nito.

Kailangan ba na yung employer ng ire-refer ay partner ni FINN?

Hindi. Kahit sinong empleyado na may payroll bank account with BPI, UnionBank, o Metrobank ay pwedeng mag-apply. Hindi kailangang maging partner ni FINN ang employer nila.

Anong produkto ang pinaka-kaparehas ng kay FINN, na pwede kong banggitin sa mga suki para madali nilang maintindihan?

Ang pinakamalapit na mahahalintulad sa FINN ay ang mga Pag-IBIG loan o SSS loan. Parehas sila dahil kada sweldo ang due date. Ang pinagkaiba, ang FINN ay may mobile app na pwedeng gamitin ng customer para madaling makapag-advance. Sa FINN, one-time lang ang payment para di tumaas yung fees, hindi katulad ng ibang loans na binabayaran sa loob ng 3 hanggang 12 buwan.

Sisingilin ba ang Digipay agent kung hindi magbayad ang customer?

Hindi responsibilidad ng Digipay agent na maningil sa customer. Ang collection ay responsibilidad ng FINN.

Saan pwedeng magpatulong kung may customer na nag-apply at may tanong siya na di ko alam sagutin?

Pumunta sa FINN FB page (facebook.com/finn.app.ph) at i-type ang keyword na “DIGIPAY” para sa priority lane, agad i-assist ng customer support agent (hindi bot!).

Anong documents ang kailangan para makapag-apply?

Isang government-issued ID lamang ang kailangan. Sa ibang applicants, kailangan din ng company ID o payslip.

Kapag nag-register ang applicant, kaagad bang papasok ang advance sa banko niya?

Pagkatapos ng registration, mabibigyan ng “Credit Limit” si customer. Pwede niyang i-withdraw yung limit anytime. Hindi ito papasok sa banko niya hanggang hindi niya i-withdraw. Pagkatapos niyang i-withdraw, papasok na sa banko within 10 mins. Dahil dito, mas ok na mag-register na sila para kapag may emergency, may “Credit Limit” na sila.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kita+ > Refer and Earn with FINN, maaari mong i-click itong link.