6 NA PARAAN KUNG PAANO KUMITA GAMIT ANG DIGIPAY APP

BILLS PAYMENT

Kahit saang lugar ka pa naroon, pwedeng-pwede kang tumanggap ng bayad para sa iba’t-ibang water and electric companies katulad ng MERALCO, BATELEC 1 at 2, QUEZELCO, Manila Water, Maynilad, at iba pa. Kung may ka-opisina o kaibigan ka namang kailangang magbayad ng credit card, mas mapapadali na ang buhay nila kapag sa Digipay sila nagbayad. Mayroon ding loan payments katulad ng Cashalo at Home Credit. Kasama din sa listahan ang mga government agencies sa mga pwedeng bayaran kaya naman hindi ka mawawalan ng customers kapag naging agent ka.

E-LOAD

Halos lahat kailangan ng load kaya buhay na buhay ang business mo dahil pwede ding mag-load gamit ang Digipay app. Mayroong Globe, Smart, Sun, TM, Red Mobile, Cignal, at ABS-CBN na kasama sa mga pagkakakitaan mo. Gamit lang ang iyong mobile phone o kaya naman laptop, kikita ka na kahit nakaupo ka lang sa bahay. Ganyan kadali ang buhay kapag may Digipay ka sa iyong tindahan.

E-PINS

Kung may computer shop ka at marami kang kapitbahay na gamer, sulit na sulit ang Digipay dahil makakabili sila sayo ng gaming pins katulad ng Airsoft, Blizzard, Cherry Credits, Cubizone, Eagle Points, EX Cash, Garena, Level up at marami pang iba. Hindi na nila kailangan pang lumayo kaya siguradong dadagsa talaga ang benta mo kung kasama ang Digipay sa business mo.

MOBILE MONEY

Pera padala ba ang hanap mo? Kumpleto ‘yan kapag naging Digipay agent ka. Mayroong GCash, PayMaya at Smart Money. Ang maliit mong tindahan, magiging digi-tindahan sa sobrang high-tech ng mga pwede mong pagkakitaan gamit ang Digipay app. Hindi na mahihirapang bumyahe ang mga tao sa barangay niyo para lang magpadala sa kanilang mga mahal sa buhay.

MICROINSURANCE

Sa dami ng produktong pwedeng ibenta, pati health insurance meron na. Makakabili na ng HealthGuard ang iyong mga ka-barangay sa halagang P100. Pwede ito mula sa mga 18-64 taong gulang kaya naman maiaalok mo ito sa mga pamilyang binabantayan ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

REBATES AND CONVENIENCE FEE

Sobra sobra ang saya sa Digipay dahil kada transaction, may rebates at convenience fee ka. Siguraduhing may kopya ka ng rate sheet kapag nag-sign up ka para malaman mo ang lahat ng rebates sa lahat ng klase ng transaction. Mas marami at malaking transaction, mas mataas na rebates ang makukuha mo.

Ano pang hinihintay mo? Sign up na bilang Digipay agent!