5 TYPES OF DIGIPAY AGENTS

REFERRAL QUEEN

Kung sasali siya sa beauty pageant, siguradong Miss Congeniality ang award niya. Bakit? Siya lang naman ang may pinakamadaming friends para bigyan niya ng Digipay referral code. 100 credits agad ang mukukuha niya for every friend na magsa-sign up as Digipay Agent. Oh ‘diba, extra kita!

LOVE ON TOP-UP

Everybody sing. “🎶 Digipay it’s you! You’re the one I love! You’re the one I need! You’re the only one I see!🎶” Dahil love niya ang Digipay, kasing taas ng boses ni Beyonce ang top-up niya everyday. Paano ba naman kasi, sobrang dami niyang suki na pinili na lang mag-Digipay kesa pumila at ma-traffic. Kumita na, nakatulong pa sa buong barangay!

PASSIONISTA MOMMA

From the word itself, walang makakatalo sa passion niya everyday para magbigay serbisyo sa kanyang mga suki at kumita nang marami para sa kanyang pamilya. Siya ‘yung gumigising everyday with a smile para iwas bad vibes. May short term at long term goals siya para sa kanyang business kaya ganado humataw araw-araw!

MISS KNOW-IT-ALL

Wala ka pang sinasabi, alam na niya agad kung ano ang babayaran mo. Memorized na kasi niya ang transactions ng kanyang mga suki. She pays attention to every detail kaya alam niya ang pasikot-sikot sa Digipay app. At hindi lang ‘yan, updated siya sa announcements dahil lagi siyang nakaabang sa Digipay Agent Group. Panalo, ‘diba? I KNOW, RIGHT!

LADY GA-GALING

Dalawang bagay ang expertise ni Lady Ga-Galing. Una, magaling siyang makipag-usap sa customers at iniiwasan niyang sumabit sa kanila. Ang resulta? Malaki ang tiwala sa kanya. At pangalawa, magaling siyang magbenta dahil meron siyang sariling strategy. From bills payment, e-load, gaming pins, mobile money to microinsurance, alam niya ang pangangailangan ng kanyang mga suki!

Sino ka sa kanila, ka-Digipay? Share your thoughts on our Facebook page and follow us on Instagram!